Province of Batangas, Republic of the Philippines

Kinilala si Mayor AJAM bilang 2024 National Outstanding Mayor of the Year

May 20, 2024

Pinarangalan si Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan ng Excellent Filipino Awards bilang ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฐ ๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—”๐—Ÿ ๐—ข๐—จ๐—ง๐—ฆ๐—ง๐—”๐—ก๐——๐—œ๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ฅ ๐—ข๐—™ ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—ฌ๐—˜๐—”๐—ฅ sa katatapos lamang na awarding ceremony na ginanap sa Manila Hotel ngayong araw, Mayo 19.

Kinilala din ang lungsod bilang ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ข๐˜‚๐˜๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—š๐—จ ๐—ถ๐—ป ๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—บ๐˜€ ๐—ผ๐—ณ ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐—ท๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐˜€ ๐—ถ๐—บ๐—ฝ๐—น๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฑ; isang patunay na ang ating mga namumuno ay nagpapamalas ng kahusayan sa pagpapatupad ng mga programa at paghahatid ng aksyon bilis na serbisyo para sa mamamayan ng lungsod.

“Sa ngalan ng ating abang lungsod, kasama ang aking mga kapwa Tomasino ay tinatanggap ko ang parangal na ito nang may pagmamalaki at pagpapakumbaba. Ang pagkilalang ito ay bunga ng sama-sama nating pagsisikap. Patuloy tayong maghahatid ng aksyon bilis na serbisyo para sa ating mga kababayan. Maraming salamat po at pagpalain tayo ng Poong Maykapal,” pahayag ni Mayor AJAM.

Ang prestihiyosong parangal na ito ay naglalayong magbigay-pugay sa mga indibidwal na nag-ambag ng makabuluhang pagbabago at inspirasyon sa kanilang mga komunidad at sa buong bansa.

Congratulations Mayor AJAM, Mabuhay ang Lungsod ng Sto. Tomas!

#๐—”๐—ธ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป๐—•๐—ถ๐—น๐—ถ๐˜€๐—ก๐—ฎ๐— ๐—ฎ๐˜†๐—ก๐—ด๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ง๐—ผ๐—บ๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ผ

Last modified: May 30, 2024

Comments are closed.