Province of Batangas, Republic of the Philippines

Batangas Fire Squad Road Show

April 23, 2024

Ang Pamahalaang Lungsod ng Sto Tomas ay nakikiisa sa malawakang kampanya ng ๐—™๐—ถ๐—ฟ๐—ฒ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐— ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ต ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฐ ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐˜๐—ฒ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด โ€œ๐—ฆ๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด-๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐˜‚๐—ป๐—ผ๐—ด, ๐—›๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—ธ๐—ฎ ๐—ก๐—ฎ๐—ด-๐—ถ๐—ถ๐˜€๐—ฎ.โ€

Sa inilunsad na ๐—•๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜€ ๐—™๐—ถ๐—ฟ๐—ฒ ๐—ฆ๐—พ๐˜‚๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ ๐—ฅ๐—ผ๐—ฎ๐—ฑ ๐—ฆ๐—ต๐—ผ๐˜„ ng Bureau of Fire nitong Marso 14, ay ibinahagi ni Dr. Arnielyn Marasigan-Aguirre, Executive Assistant V/City Health Office & HEPU Adviser, ang mensahe ng  Punong Lungsod Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan, na nagpapaabot ng buong suporta ng lokal na pamahalaan sa mga programang magpapataas ng kamalayan ng publiko tungkol sa mga kasanayan sa kaligtasan ng sunog, at paghahanda sa mga hindi inaasahang pangyayari.

Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan din nina FSSupt Arvin Rex A. Afalla, FSSupt Dennis A. Molo, MPSA (DSC), FSupt Glenn M. Salazar, MMPA, FCInsp Alyster C. Castro, Fire Marshals – Batangas, Ms. Gandarra Keviana Filipa, mga magulang at mag-aaral mula sa St. Thomas Academy – Avida.

Ang mga kalahok ay nagkaroon ng pagkakataong makakuha ng iba’t ibang uri ng kaalaman, mula sa konsepto hanggang sa praktikal ng pagsugpo sa sunog. Tampok din ang iba’t ibang display booth, mga pagsasanay na nakatuon sa kaligtasan sa sunog, at paglikha ng mga planong pang aksyong emerhensiya.

Last modified: April 23, 2024

Comments are closed.