Ang Pamahalaang Lungsod ng Sto Tomas ay nakikiisa sa malawakang kampanya ng ๐๐ถ๐ฟ๐ฒ ๐ฃ๐ฟ๐ฒ๐๐ฒ๐ป๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ ๐ผ๐ป๐๐ต ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฐ ๐ป๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ ๐๐ฒ๐บ๐ฎ๐ป๐ด โ๐ฆ๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ด-๐ถ๐๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ฆ๐๐ป๐ผ๐ด, ๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ธ๐ฎ ๐ก๐ฎ๐ด-๐ถ๐ถ๐๐ฎ.โ
Sa inilunsad na ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐๐ถ๐ฟ๐ฒ ๐ฆ๐พ๐๐ฎ๐ฟ๐ฒ ๐ฅ๐ผ๐ฎ๐ฑ ๐ฆ๐ต๐ผ๐ ng Bureau of Fire nitong Marso 14, ay ibinahagi ni Dr. Arnielyn Marasigan-Aguirre, Executive Assistant V/City Health Office & HEPU Adviser, ang mensahe ng Punong Lungsod Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan, na nagpapaabot ng buong suporta ng lokal na pamahalaan sa mga programang magpapataas ng kamalayan ng publiko tungkol sa mga kasanayan sa kaligtasan ng sunog, at paghahanda sa mga hindi inaasahang pangyayari.
Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan din nina FSSupt Arvin Rex A. Afalla, FSSupt Dennis A. Molo, MPSA (DSC), FSupt Glenn M. Salazar, MMPA, FCInsp Alyster C. Castro, Fire Marshals – Batangas, Ms. Gandarra Keviana Filipa, mga magulang at mag-aaral mula sa St. Thomas Academy – Avida.
Ang mga kalahok ay nagkaroon ng pagkakataong makakuha ng iba’t ibang uri ng kaalaman, mula sa konsepto hanggang sa praktikal ng pagsugpo sa sunog. Tampok din ang iba’t ibang display booth, mga pagsasanay na nakatuon sa kaligtasan sa sunog, at paglikha ng mga planong pang aksyong emerhensiya.
Last modified: April 23, 2024