Province of Batangas, Republic of the Philippines

MAYOR AJAM KINILALA SA KANYANG OUTSTANDING & SIGNIFICANT ACHIEVEMENT IN PUBLIC SERVICE

December 18, 2024

Muling pinatunayan ni Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan ang kanyang kahusayan at dedikasyon sa serbisyo publiko matapos tanggapin ang prestihiyosong Golden Globe Annual Awards for Outstanding Filipino Achievers para sa ๐—ข๐˜‚๐˜๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ฆ๐—ถ๐—ด๐—ป๐—ถ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐—ป๐˜ ๐—”๐—ฐ๐—ต๐—ถ๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ถ๐—ป ๐—ฃ๐˜‚๐—ฏ๐—น๐—ถ๐—ฐ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ. Ang parangal ay iginawad nitong Disyembre 13 sa Manila Hotel, Lungsod ng Maynila, sa isang makasaysayang okasyon na dinaluhan rin ni Senator Cynthia Villar.

Ang natatanging parangal na ito ay patunay ng hindi matatawarang serbisyo ng ating Punong Lungsod para sa kapakanan ng mamamayan ng Sto. Tomas at ng buong lungsod. Sa kanyang mensahe, nagpasalamat siya sa suporta ng kanyang pamilya, mga Tomasino, at mga kasamahan sa pamahalaan na naging bahagi ng kanyang tagumpay.

Ang pagkilalang ito ay lalo pang nagbigay-inspirasyon kay Mayor AJAM na ipagpatuloy ang kanyang masigasig at aksyon bilis na paglilingkod, kaagapay si Vice Mayor Cathy Jaurigue-Perez at ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod para sa Lungsod ng Sto. Tomas.

๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€ ๐— ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ฟ ๐—”๐—๐—”๐— ,

๐— ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐˜‚๐—ป๐—ด๐˜€๐—ผ๐—ฑ ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐˜๐—ผ. ๐—ง๐—ผ๐—บ๐—ฎ๐˜€!

Last modified: December 18, 2024

Comments are closed.