๐ฒ ๐ป๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ด๐๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ด ๐ฐ๐ต๐ถ๐น๐ฑ ๐น๐ฎ๐ฏ๐ผ๐ฟ๐ฒ๐ฟ๐ ๐๐ฎ ๐น๐๐ป๐ด๐๐ผ๐ฑ, ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ฝ ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ฝ๐ฎ๐ฐ๐ธ๐ฎ๐ด๐ฒ mula sa DOLE IVA-Batangas Provincial Office; sa ilalim ng Child Labor Prevention and Elimination Program (CLPEP) ng DOLE, katuwang ang Public Employment Service Office (PESO), Disyembre 29.
Matatandaan na noong nakaraang taon ay nag-ikot ang DOLE-PESO sa buong lungsod upang hanapin ang mga batang manggagawa o child laborers. Sila ay na-profile at minonitor nang isang taon. Noong dumating ang pasukan ayย may anim na batang natira na sadyang hindi na nag-aaral upang magtrabaho. Base sa pangangailangan ng kanilang mga pamilya ay hinandugan ang kanilang mga magulang ng DOLE ng pagsisimulang kabuhayan na akma sa kanilang kakayahan upang makabalik ang mga bata sa paaralannang tuloy-tuluyan.ย
Ibinahagi naman ni City Administrator Engr. Severino M. Medalla ang mensahe ng ating Punong Lungsod Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan, na nagpapaabot ng pasasalamat sa ahensya ng DOLE para sa tulong na hatid sa ating mga kababayan at ang paghikayat sa mga magulang na pagyamanin ito para sa kinabukasan ng kanilang mga anak.
Ipinaliwanag din sa mga magulang ang mga lokal na programa ng pamahalaan kontra child labor gaya ng scholarship, educational assistance, summer job employment, livelihood at skills training na may layuning tulungan silang alisin sa kalagayang maagang pagta-trabaho, makabalik sa pag-aaralย at tuluyang makapagtapos.
Layunin ng ating administrasyong Marcos sa ilalim ng Philippine Development Plan 2023โ2028 ang โtarget na zero number of child laborersโ sa pangunguna ng DOLE sa National Council Against Child Labor o NCAL upang baguhin ang buhay ng mga batang manggagawa, kanilang mga pamilya, at mga komunidad tungo sa kanilang pagpapahalaga sa sarili at kapangyarihang umunlad.
Last modified: April 26, 2024