๐๐๐ป๐ด๐๐ผ๐ฑ ๐ป๐ด ๐ฆ๐๐ผ. ๐ง๐ผ๐บ๐ฎ๐, ๐ฃ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐น๐ฎ๐ป ๐ฏ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ง๐ผ๐ฝ ๐ฎ ๐ก๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐ง๐ผ๐ฝ ๐ฃ๐ฒ๐ฟ๐ณ๐ผ๐ฟ๐บ๐ถ๐ป๐ด ๐๐๐จ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฌ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฎ & ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฏ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐น๐ฎ๐ด๐ผ ๐ป๐ด ๐๐ผ๐ฐ๐ฎ๐น๐น๐ ๐ฆ๐ผ๐๐ฟ๐ฐ๐ฒ๐ฑ ๐ฅ๐ฒ๐๐ฒ๐ป๐๐ฒ๐
Isang malaking karangalan para sa Lungsod ng Sto. Tomas, Batangas ang pagkilalang ito mula sa Department of Finance-Bureau of Local Government Finance.
Ang parangal na ito ay patunay ng masinop at epektibong pamamahala ng lokal na pamahalaan sa kita ng lungsod, sa pangunguna ni Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan, kaagapay si Vice Mayor Catherine Jaurigue-Perez, at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.
Sa kabila ng mga hamon sa ekonomiya, nagawa ng lungsod na mapalago ang mga lokal na kita, na siyang nagsilbing pondo para sa ibaโt ibang mahahalagang proyekto at serbisyong pampubliko.
Magpapatuloy ang lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng mga programa tungo sa mas progresibong ekonomiya at masiglang kinabukasan para sa mamamayang Tomasino.
Last modified: September 19, 2024