๐๐ผ๐ป๐ด๐ฟ๐ฎ๐๐๐น๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐, ๐๐ถ๐๐ ๐ผ๐ณ ๐ฆ๐๐ผ. ๐ง๐ผ๐บ๐ฎ๐!
Mula sa dating pang-101 na puwesto, matagumpay tayong umakyat sa rank 59, isang malaking tagumpay na sumasalamin sa patuloy na pag-angat at progreso ng ating lungsod.
Ang pagkilalang ito ay patunay ng ating sama-samang pagsusumikap upang mapabuti ang kalidad ng buhay ng bawat Tomasino at maitaguyod ang ating lungsod bilang isang lugar na may matatag at maunlad na ekonomiya.
Sa pamumuno ni Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan at sa tulong ni Vice Mayor Catherine Jaurigue-Perez kaagapay ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, patuloy tayong magsusumikap upang higit pang mapaunlad ang ating lungsod at makamit ang tuloy-tuloy na tagumpay.
Ang pagkilalang ito ay hindi lamang para sa pamahalaan, kundi para sa bawat Tomasino na nagbigay ng kanilang tiwala at suporta. Sama-sama nating itaguyod ang mas maunlad at mas masiglang Sto. Tomas!
Last modified: August 29, 2024