Nagsama-sama ang mahigit tatlong daang riders sa isinagawang ๐ก๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐ฅ๐ถ๐ฑ๐ถ๐ป๐ด ๐ฆ๐ธ๐ถ๐น๐น๐ ๐๐ผ๐บ๐ฝ๐ฒ๐๐ถ๐๐ถ๐ผ๐ป, na inorganisa ng pamahalaang lungsod sa pangunguna ni Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan, at sa pakikipagtulungan ng MotorClyde Training Center nitong ika-2 ng Marso sa Barangay Poblacion 3, Lungsod ng Sto. Tomas.
“Nais nating makilala ang ating lungsod bilang ๐ฅ๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ฟ ๐๐ฟ๐ถ๐ฒ๐ป๐ฑ๐น๐ ๐๐ถ๐๐, isang ligtas na lugar para sa mga motorsiklista. Layon ng aktibidad na ito na magkaroon ang ating mga kababayan ng kinakailangang kakayahan at sapat na kaalaman sa ligtas na pagmamaneho at pag-gamit ng motorsiklo.”, Mayor AJAM.
Ang kumpetisyon sa kasanayan sa pagsakay ay nagsilbing plataporma para sa mga rider na ipakita ang kanilang mga kasanayan tampok ang pangako ng lokal na pamahalaan sa pagtataguyod ng kaligtasan sa kalsada at responsableng mga kasanayan sa pagmomotorsiklo.
Nagbigay suporta din sa aktibad na ito sina DOTR USEC Joseph Alexander Uy, Mr. Raymon Gabriel ng Philippine Motorcyle Tourism, Mr. JC Santos, Provincial Tourism Ms. Katrin Buted, iba’t ibang social media influencers, riders, at ang buong Sangguniang Panlungsod sa pamununo ni Vice Mayor Catherine Jaurigue-Perez. Tampok din dito ang iba’t ibang sponsors at mga local entrepreneurs sa lungsod.
Last modified: April 23, 2024