Pinangunahan ni Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan, ang pag-turnover sa “๐๐ถ๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ท๐ฒ๐ฐ๐” para sa livelihood organization sa Tahanang Tomasino II sa Barangay San Francisco, Lungsod ng Sto. Tomas.
Naisakatuparan ang programang ito sa pagtutulungan ng 59th Infantry Batallion ng Philippine Army at ng pamahalaang lokal sa pamamagitan ng City Livelihood and Entrepreneurship Development Division.
Layon ng programa na bigyang pagkakataon ang mga miyembro ng samahan na magkaroon ng karagdagang kita at mapaunlad ang kani-kanilang mga kabuhayan gamit ang 25 sako ng bigas na 25kilo ang bawat isa at mga materyales para sa pagtatayo ng bigasang bayan project.
Kasabay nito ang pamamahagi ni Mayor AJAM ng tungkod sa ating mga senior citizens o PWD na nangangailangan nito.
Present sa nasabing turn-over si Vice Mayor Cathy Jaurigue-Perez, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, Tahanang TomasinoII Livelihood President Mr. Francis M. Siniajan, Barangay San Francisco Chairman Lorenzo M. Lait, Barangay San Isidro Sur Chairman Rodolfo M. Centeno Jr., mga kawani ng CPDO at CLEDD.
Last modified: April 23, 2024